Burger King’s Mushroom n’ Swiss XXL burger.
Mother doesn’t know I ordered food 3 hours ago.
I’m full, but I have to eat. She might notice.
Rhadsoning o Matabangutaking?
Bakit di mo subukan ng sabay? HAHAHA.
Waiting for the KFC delivery dude. #peephole (Taken with instagram)
May bago na akong dream car…at eto nga yun. The 2012 Honda CR-Z.
I love everything about this car. Sa design pa lang, ang lakas na ng dating diba?
Kanina napag-tripan kong bisitahin ang website ng Honda para tumingin ng kotse. Pagdating ko kasi sa Amerika, obligado na ako magmaneho, hindi ko lang alam kung hihiramin ko ang kotse ng tatay ko o bibigyan nya ko ng sarili kong sasakyan.
So anyway, wala namang masama kung mangarap ako diba? Eh sa gusto ko talaga itong kotse na to eh. Hahaha. Sa website nila, pwede ka pumili ng kotse at i-design ng naaayon sa gusto mo, at ito nga ang nagawa ko. Makikita mo na rin kung magkano ang kotseng iyan, at sa maniwala kayo’t sa hinde, $27,115 lang naman siya. *sarcasm* Kasama na diyan yung mga dagdag na accessories.
Nung natapos ako, napaisip ako bigla. Papayag nga kaya ang tatay ko na ito ang maging kotse ko? Eh ibibili nga ba niya ako ng kotse? O ipapamana lang niya sa akin ang kotseng gamit niya ngayon? O ipapahiram lang saken at gusto niya mag-ipon ako para magka-kotse ako? Ang daming tanong. Pero ang wish ko lang sana, maging galante ang tatay ko at kayanin niyang bilhin ang kotseng ito para sa akin. *cross fingers*
Isang malaking strawberry na may Nutella. #matabangutaking (Taken with instagram)
