Magpi-picture daw kasi siya. So sabi ko ako rin, tapos screenshot namin.
Tapos ayan. Sabaw. I LOVE YOU. ♥
Hi love,
It’s our 27th month today, so HAPPY HAPPY MONTHSARY TO US!
Alam ko late na naman ‘tong greeting ko, the fact na nauuna ka dyan sa oras. But anyways, gusto ko lang magpasalamat sa’yo sa araw na ‘to, dahil kahit magkalayo tayo, nagawa nating mag-date. Kahit movie date lang yun, I still think that it was very special dahil naramdaman ko na parang magkasama lang talaga tayo.
The past week, we’ve had another rough patch, but I’m glad that we got through it. Usually naman ganun ginagawa natin. Talk about it, and have a good cry. Forgive and forget. Be patient and understanding. Kahit minsan nararamdaman ko na gusto mo na bitawan, alam ko sa sarili ko na hindi yun ang gusto mo, alam kong mahal na mahal mo ko.
Babe, gusto ko lang ulit mag-sorry sa mga nangyari na yun. Alam ko di ka pa nakakalimot, pero nasa process na, at nandito lang ako para tulungan ka, magtulungan tayo.
Nakakatuwa lang itong relationship natin, it’s like a wild ride, it’s crazy, may ups and downs, and yet we don’t want it to end. Nakakapit pa rin tayo sa isa’t isa kahit ilang beses na bumabaliktad.at paikot ikot yung nangyayari sa atin. I’m so proud in both of us for being this strong, especially you. Sobrang nagpapasalamat talaga ako at nakilala kita at patuloy akong magpapasalamat hanggang sa maabot ko ang pinaka goal ko, ang makasama ka sa habambuhay.
Mahal na mahal kita, babe. Alam mo yan. Sana nga talaga, IKAW NA. DA BEST KA EH! At tulad nga ng sinabi ko sa’yo dati, kahit ilang beses mo sabihin sa akin na maraming iba diyan, mahirap humanap ng isang Arcell na makakaintindi sa mga flaws ko. Mahirap humanap, kasi ayoko rin maghanap. Naniniwala kasi ako na people make their own destiny. Kung ikaw ang gusto kong maging tadhana ko, gagawin ko ang lahat para ikaw ang makita ko sa huli at hindi iba.
P.S. Sorry walang picture, halos lahat kasi ng picture nagamit na natin eh. Hihihi. I LOVE YOU! ♥
Ang tunay na gwapo, may girlfriend.
Dahil kahit pangit siya sa paningin ng iba.
Gwapo pa rin sa para sa girlfriend niya.
Ito na ako ngayon.
Sobrang inactive ko na. Kaya eto, ikukuwento ko na lang ang mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw.
Nagkaroon na pala ako ulit ng trabaho, bilang dishwasher sa isang “hospital catering company”. Kahapon ako nagsimula, at dito na ako makikitira sa ninang ko sa Maryland, kung saan tahimik at walang gulo. Sobrang pangit na kasi ng environment sa bahay namin sa Virginia, dahil nga sa madalas na issue namin sa tatay ko. Aaminin ko naman na mas masaya dito. May mga nakakausap kami ng kapatid ko, may nasasandalan, may nakakasama sa tuwaan, mga bagay na hindi namin magawa kapag kasama tatay namin.
Isa rin sa mga rason kung bakit ako inactive, ay dahil mas iniintindi ko ang DOTA kaysa sa blog ko. Ewan ko ba. Siguro dahil minsan kailangan ko lang talaga libangin sarili ko, at mas nalilibang ako sa paglalaro. Siguro tinatamad na rin ako mag-blog? Ewan ko ba. Medyo pinanghinaan talaga ako ng loob simula nung dumating ako dito sa Amerika. Sana talaga makaipon ako agad, para makauwi na ako ng Pilipinas. :(
Dahili ibinili ko si Rhads ng Steam Gift Card at babayaran niya in keys…
Di ako sanay.
Hinahanap ko palagi yung notes at like button sa taas ng post,
nawawala sa isip ko na nilipat na pala nila.. -.-
